How you became my safe place.


Day 4 — How you became my safe place

 

Hindi ko namalayan kung kailan nangyari pero unti-unti, ikaw na ang pahinga ko. Sa mga araw na magulo ang isip ko at mabigat ang mundo, presence mo pa lang parang nagiging okay at magaan na lahat. Hindi mo kailangang magsabi ng marami kasi yung pakikinig mo, yung tahimik mong pag-intindi, is enough na 'yon for me. With you, I don’t feel the need to pretend or be strong all the time. Pwede akong mapagod, magkamali, maging totoo or minsan maging mahina, dati takot akong magsabi sa iba kasi baka makita nilang mahina ako pero kapag dating sayo, ang gaan lang magsabi at magpakita ng nararamdaman ko kasi tatanggapin mo pa rin ako. 

You became my safe place not because you fixed everything, but because you stayed. Sa bawat takot, doubt at pagod ko, nandiyan ka — always patient, and real. Ikaw yung reminder ko na okay lang maging vulnerable, na may taong pipiliin kang mahalin kahit hindi ka okay. And maybe that’s why, sa dami ng pwedeng takbuhan, ikaw pa rin ang uuwian ko. With you, I feel safe, seen and finally at home, ikaw ang TAHANan ko. 

Mahal kita, sobra. 


Comments

Popular posts from this blog

Where the year begins.

Through every storm.