Presence that feels like home.
Day 18 — Presence that feels like home HAPPYYY BIRTHDAYYY, LOVERR KOO!^^ Your presence is the gift na hindi ko man hawakan pero ramdam ko sa puso ko — parang ilaw na dumarating sa tahimik na umaga, nagbibigay init kahit hindi sinasadya. Today, on your birthday, gusto kong ipaalala sa’yo kung gaano ka kahalaga sa life ko. Hindi lang dahil sa mga ngiti mo, sa mga yakap mo, o sa mga halakhak na magaan sa puso, kundi dahil sa paraan ng pagiging ikaw. Sa bawat sandali na magkasama tayo, kahit simple lang, ramdam ko na may lugar ako sa mundo mo and 'yon ay sapat na para maging buo ang puso ko. Habang lumilipas ang mga taon, mas lalo kong nakikita kung paano mo pinaparamdam ang saya at ginhawa sa paligid mo. Ang presence mo ay tahanan ko kahit sa mga oras na pagod o naguguluhan ako, basta naaalala ko na nandiyan ka lang, parang may safe place akong pwedeng balikan. You make ordinary moments feel special and 'yon ang dahilan kung bakit hindi lang sa birthday mo dapat kang i-celebrate, ...