Posts

Showing posts from January, 2026

Presence that feels like home.

Image
Day 18 — Presence that feels like home HAPPYYY BIRTHDAYYY, LOVERR KOO!^^ Your presence is the gift na hindi ko man hawakan pero ramdam ko sa puso ko — parang ilaw na dumarating sa tahimik na umaga, nagbibigay init kahit hindi sinasadya. Today, on your birthday, gusto kong ipaalala sa’yo kung gaano ka kahalaga sa life ko. Hindi lang dahil sa mga ngiti mo, sa mga yakap mo, o sa mga halakhak na magaan sa puso, kundi dahil sa paraan ng pagiging ikaw. Sa bawat sandali na magkasama tayo, kahit simple lang, ramdam ko na may lugar ako sa mundo mo and 'yon ay sapat na para maging buo ang puso ko. Habang lumilipas ang mga taon, mas lalo kong nakikita kung paano mo pinaparamdam ang saya at ginhawa sa paligid mo. Ang presence mo ay tahanan ko kahit sa mga oras na pagod o naguguluhan ako, basta naaalala ko na nandiyan ka lang, parang may safe place akong pwedeng balikan. You make ordinary moments feel special and 'yon ang dahilan kung bakit hindi lang sa birthday mo dapat kang i-celebrate, ...

Every version of you.

Image
  Day 17 — Every version of you I love every version of you — yung masaya ka, yung tahimik ka, at kahit yung mga araw na feeling mo hindi ka enough. I love every version of you, kahit yung mga bahagi na hindi mo palaging mahal sa sarili mo. Lalo na yung mga parts na minsan ikaw mismo hindi mo kayang tanggapin, I see them and I still stay, always in all ways. Hindi mo kailangang maging strong palagi or buo para maging worthy of love. Sa bawat pagbabago mo, sa bawat phase na pinagdadaanan mo, I’m here, appreciating you as you are in that moment. I love you not just for who you are when everything feels right, but also for who you are when things feel heavy. Kahit pagod ka, kahit doubtful ka, kahit feeling mo lost ka, you’re still you — and that’s more than enough for me. Every version of you tells a story, and I’m grateful na nakakasama ako sa bawat chapter.  Mahal kita sa lahat ng anyo mo, lalo na sa mga panahong hindi mo pa nakikita kung gaano ka ka-worth loving.

The way you look at me.

Image
  Day 16 – The way you look at me May kakaiba sa way you look at me — parang sa isang tingin mo lang, biglang humihinto yung ingay ng mundo. Hindi mo man sabihin, ramdam ko yung assurance, yung softness, at yung tahimik na “okay lang, andito ako.” Sa mga mata mo, hindi ko kailangang magpanggap o maging mas higit sa kung sino ako. I feel seen, not judged; understood, not questioned. Parang sinasabi ng tingin mo na sapat na ako, kahit sa mga araw na ako mismo hindi sigurado sa sarili ko. At siguro doon ko mas lalong minahal kung paano mo ako tinitingnan — with patience, with care, at may halong tiwala na kaya ko. The way you look at me makes me want to be better, not out of pressure, but out of love. Kung may isang bagay akong laging babalikan kapag napapagod ako, yun ay yung mga matang nagpapaalala sa’kin na may isang taong naniniwala sa’kin nang buo. At kung ganito mo ako tignan habang buhay, I know I’ll always find my way back to you. Mahal kita, at lalo pa kitang mamahalin — buon...

Still Here, Still Us.

Image
  Day 15 — Still Here, Still Us Sa dami ng pwedeng mangyari at sa dami ng araw na pwedeng magbago ang lahat, ang sarap pa ring isipin na we’re still here. Sa mga ordinary days, sa mga kwentong paulit-ulit and sa mga sandaling walang kailangang patunayan, nandito pa rin tayo. Still here kasi pinili nating manatili, kahit may pagod, kahit may delay, kahit may sariling lakad ang buhay. Still us, kasi kahit lumipas ang oras, pareho pa rin yung pakiramdam kapag magkasama tayo. Habang tumatagal, mas nagiging malinaw sa’kin kung gaano kahalaga yung “us” na binubuo natin. Yung simpleng presence mo, yung way mo mag-stay and yung comfort na dala mo nang hindi mo namamalayan. Gusto kitang piliin sa araw-araw na ganito — walang nagmamadali, walang pressure, basta magkasama. Hangga’t nandito ka, nandito rin ako. Still here, still us.  Mahal kita, palagi.

You are worth the wait.

Image
  Day 14 – You are worth the wait Hindi ko minadali yung pagdating mo sa buhay ko, and now I understand why. Everything before you felt like preparation — mga lessons, mga paghihintay, mga tahimik na moments na hindi ko alam para saan. Tapos dumating ka, and biglang naging malinaw kung bakit kailangang tumagal ng gano’n. You came at the right time, with a heart that’s gentle but strong, and a presence na kayang magpahinga ng mundo ko kahit magulo lahat. Hindi ka rushed love, ikaw yung love na dahan-dahan pero sigurado. Sa’yo ko natutunan na may mga bagay na mas nagiging meaningful kapag hinintay. Hindi dahil mahirap makuha, kundi dahil deserve mong dumating nang buo at handa ako. Every version of you — yung pagod, yung masaya, yung tahimik — lahat ‘yon worth it. And if I had to wait all over again just to meet you, I would, walang pag aalinlangan.  Mahal kita, sa panahong dumating ka at sa lahat ng oras na pinili kang hintayin.

Right from the start

Image
  Day 13 — Right from the start Right from the start, may something na agad sa’yo na nagpa-feel sa’kin na safe akong maging ako. Hindi man clear lahat noon, pero ramdam ko na iba ka sa lahat — sa way mo mag-care, sa kung paano mo hinaharap ang mundo kahit pagod ka na, sa pagiging optimistic mo, at sa way mo magsalita na parang sobrang lambot na lang ng puso natin sa bawat salita mo. Tbh, yung kahapon na natakot ako sa’yo dahil sa tone mo is something na naiisip ko ngayon as a positive sign, kasi dun ko na-realize kung gaano ka ka-soft sa’kin —to the point na hindi ako sanay marinig yung normal voice mo, like kung paano mo kausapin yung iba. Pero kapag ako kausap mo, parang isa akong baby — at siguro kung makita man ng younger self ko kung paano mo ako tratuhin ngayon, magiging masaya yung puso niya. Kasi simula bata ako, hindi ako sanay na may taong aalagaan ako ng ganito, yung gagawin akong parang baby, minsan parang princess pa. Pinapagaan mo yung puso ko at pinapasaya mo ako la...

Every step forward.

Image
  Day 12 — Every step forward Habang papalapit yung birthday mo, mas naiisip ko kung gaano ka kalaki yung naging bahagi mo sa bawat step na tinatahak ko. Hindi man laging perfect ang takbo ng buhay, pero with you, every step forward feels lighter. Parang mas may direksyon, mas may lakas ng loob and mas may dahilan para magpatuloy. Kahit sa mga araw na tahimik lang o medyo magulo, alam kong hindi ako nag-iisa sa pag-usad — magkasabay tayo, dahan-dahan pero totoo. This coming birthday of yours feels like a pause to appreciate how far you’ve come and how far you’ll still go. I’m excited to walk beside you sa mga susunod pang hakbang — sa growth mo, sa mga pangarap mo and sa lahat ng versions mo na dadating. Hindi ko man alam lahat ng mangyayari, pero sigurado ako sa isang bagay, na gusto kong andito ako sa bawat step forward mo.  Mahal kita, at gusto kong iparamdam ‘yon hindi lang sa words, kundi sa pananatili ko sa tabi mo habang sabay tayong umuusad.

Vows written in silence.

Image
  Day 11 — Vows written in silence May mga pangako akong hindi kailangang sabihin out loud. Yung tipong nararamdaman na lang sa mga simpleng moments — sa tahimik na usap, sa mga titig, sa pagiging comfortable kahit walang sinasabi. Loving you made me realize na hindi lahat ng vows kailangan isulat o ipangako sa harap ng marami. Minsan, sapat na yung consistency, yung presence, at yung effort na paulit-ulit pinipili ka kahit walang nakatingin. Doon ko mas naiintindihan kung gaano ka kaimportante sa’kin. Malapit na yung araw na tungkol lahat sa’yo, and I just want you to feel how special you are. Not because it’s your day, but because you deserve that kind of love every day. This is us na habang tumatagal is araw-araw pa ring pinipili ang isa’t isa. Sa pag-intindi kahit minsan walang mahabang usapan, sa pag-suporta sa isa’t isa kahit tahimik lang, and staying with you through everything. Walang bonggang salita o pa-impress, just us being real.  Mahal kita, lagi't lagi. 

Every day I choose you.

Image
  Day 10 — Every day I choose you Every single day mas nagiging malinaw sa’kin kung bakit ikaw yung pinipili ko araw-araw. Not because everything is always easy, but because loving you feels right. I’m genuinely glad you existed sobraa, me is glad that this world had a place for you and somehow, yung lugar na 'yon led you to me. Sa mga simpleng moments at sa mga tahimik na araw, ikaw yung choice na paulit-ulit kong ginagawa, hindi out of habit, kundi out of love. Every day, I choose you and I don’t get tired of that choice. As your birthday gets closer, mas lalo kong gusto ipaalala sa’yo kung gaano ka-special yung existence mo, hindi lang sa buhay ko kundi sa lahat ng taong mahal ka. You deserve to be celebrated, not just on that day, but in every moment you exist. I’ll keep choosing you, support you, understand you and love you more as the days go by. I’m grateful for you, for your heart and for simply being you.  Mahal kita sa paraan na gusto ko, hindi dahil kailangan ko.

Never feel alone.

Image
  Day 9 — Never feeling alone Hindi ko namalayan kung kailan nagbago yung pakiramdam ko sa pagiging mag-isa. Dati, sanay ako na ako lang — like dala-dala yung mga iniisip ko, yung pagod, yung quiet fights and break down ko na walang nakakaalam. Akala ko ganon lang talaga, na some things you just deal with on your own. Pero with you, everything feels lighter. Kahit hindi mo alam lahat ng nasa isip ko, ramdam ko na may kasama ako, may umuunawa, may handang makinig kahit sa katahimikan.  Sa'yo ko natutunan na hindi pala kailangan laging malakas — na okay lang mapagod, malito or magduda — kasi andyan ka. You make me feel seen, even on days I don’t know how to explain myself. And because of you, I never feel alone anymore. Hindi dahil laging magkasama tayo, kundi dahil alam kong kahit saan ako mapunta, may isang taong iniisip ako, sinusuportahan ako and pinipili ako araw-araw. Mahal kita, at sobrang grateful ako na ikaw yung kasama ko sa journey na ’to. Mahal kita, lagi't lagi....

I saw forever in you.

Image
Day 8 — I saw forever in you Hindi ko talaga inakala na makikita ko ulit yung salitang forever sa isang tao. For the longest time, I kept my distance from that idea — hindi dahil ayaw ko magmahal, kundi dahil natuto akong mag-ingat. I learned how to protect myself, how to be okay on my own and how not to expect too much from love. Pero nung dumating ka, lahat ng takot na ’yon at pangangamba ay nawala. Dahil sa’yo, nagbago yung pananaw ko — hindi lang sa love, kundi sa buhay mismo. You made me see things with more hope, more clarity. With you, forever doesn’t feel scary or unrealistic anymore. It feels like something I can actually imagine, something I want to build. Ang gaan pala sa pakiramdam, kasi for the first time in a long while, I’m not afraid to believe in that — basta ikaw yung kasama. That’s when I realized, I saw forever in you. Mahal kita, lagi't lagi. 

Under the same stars.

Image
  Day 7 — Under the Same Stars Minsan iniisip ko na kahit mag-iba man yung pace ng mundo natin, we still end up under the same stars at the end of the day. Kahit may mga gabing pagod, tahimik or puno ng iniisip, there’s this calm knowing na somewhere out there, you’re looking at the same sky as I am. Hindi kailangan ng maraming salita or constant presence para maramdaman ka — enough na yung thought na we’re connected kahit sa mga simpleng sandali. With you, even distance or silence doesn’t feel heavy. It feels reassuring, parang reminder na hindi ako nag-iisa.  Gaya ng sinabi ko sa isang message here nung nakaraang araw, what we have is something I choose to protect and nurture every single day, bubb. Hindi laging perfect, hindi laging madali pero ikaw yung pahinga na pinipili ko tuwing pagod na. Under the same stars, I choose us, like sa lahat ng versions ng araw, sa lahat ng moods, sa lahat ng uncertainties. You’re my constant, my safe space and laging my quiet happiness. As...

Our hearts aligned.

Image
  Day 6 — Our hearts aligned   Hindi ko namalayan kung kailan exactly nagsimula, pero somewhere along the way is parang sabay na lang nag-align yung puso natin. Hindi ko namalayan kasi hindi 'to pilit, hindi minadali — like parang natural lang na nagtagpo tayo sa tamang panahon, right moment and right time. May mga moments na tahimik lang, walang grand gestures pero ramdam ko kung gaano kadali magmahal kapag ikaw yung kasama. Loving you feels natural, hindi ko kailangan magpanggap o baguhin yung personality. With you, everything feels lighter and loving you feels like something I don’t have to question, ang daling mabuhay kapag ikaw yung kasama.     What we have now is something I choose every single day. Hindi lang dahil minsan ay madaling pumili, kundi dahil ikaw 'yon, ikaw lang. Kahit may mga araw na hindi perfect, kahit may pagod at doubts minsan, I still choose us. Kasi aligned yung puso natin — sa intentions, sa care and sa pagmamahal na hindi kailangang ipagpi...

You were worth the wait.

Image
  Day 5 — You Were Worth the Wait Hindi naging madali ang paghihintay at hindi rin naman agad malinaw kung saan papunta ang lahat noon. May mga araw na puno ng tanong, moments na puno ng doubts and mga panahong akala ko baka hindi rin pala. Pero dumating ka — hindi biglaan, hindi pilit, kundi sakto at perfect time ang lahat. Sa bawat hakbang papunta sa’yo, mas naintindihan ko kung bakit kailangang maghintay muna. Kasi ikaw yung type of person na hindi minamadali, yung dumarating kapag handa na ang puso. And now that you’re here, everything makes sense. Lahat ng pagod, lahat ng almosts, lahat ng delays is worth it pala dahil ikaw ang dulo. And sorryy if hindi slayable ang pag-edit ko rito HAHAHAHAHAHAHHAHA, I really tried my best na maghanap ng mga elements or stickers about Stranger Things, pero yung iba dili talaga siya bagay and idk din anong context ng ibang stickers hehehe. Still, ginawa ko ’to with so much love, the same way I choose you every day — imperfect pero sincere. San...

How you became my safe place.

Image
Day 4 — How you became my safe place   Hindi ko namalayan kung kailan nangyari pero unti-unti, ikaw na ang pahinga ko. Sa mga araw na magulo ang isip ko at mabigat ang mundo, presence mo pa lang parang nagiging okay at magaan na lahat. Hindi mo kailangang magsabi ng marami kasi yung pakikinig mo, yung tahimik mong pag-intindi, is enough na 'yon for me. With you, I don’t feel the need to pretend or be strong all the time. Pwede akong mapagod, magkamali, maging totoo or minsan maging mahina, dati takot akong magsabi sa iba kasi baka makita nilang mahina ako pero kapag dating sayo, ang gaan lang magsabi at magpakita ng nararamdaman ko kasi tatanggapin mo pa rin ako.  You became my safe place not because you fixed everything, but because you stayed. Sa bawat takot, doubt at pagod ko, nandiyan ka — always patient, and real. Ikaw yung reminder ko na okay lang maging vulnerable, na may taong pipiliin kang mahalin kahit hindi ka okay. And maybe that’s why, sa dami ng pwedeng takbuhan,...

Through every storm.

Image
Day 3 — Through Every Storm You don’t always open up about what you’re going through. May mga pagkakataon na mas pinipili mo na lang manahimik, kimkimin ang bigat or pinagpapatuloy ang lahat na parang okay ka lang. Kahit pagod ka na, kahit something bothering you, you still choose to move forward. That kind of quiet strength, na the way you endure without needing to talk about it, like sinasabi mon na "hayaan nalang 'yon" that is something I deeply admire about you pero not all the times, kasi minsan yung word na "hayaan mo na" is parang ini-invalidate mo ang feelings ko na dapat is hindi, ang dami mo ng pinagdaanan and hindi dapat hayaan yung iba doon. Kaya I always say sayo na magsabi ikaw saakin if something is bothering you kasi minsan is hinahayaan mo nalang, but I see you trying na magsabi and me is so proud of you because of that.  Nakikita kita, mahal. I see how you keep trying even on the days when no one’s clapping for you, even sa mga times na walang...

I’m proud of the way you keep going.

Image
  Day 2 — I’m Proud of the Way You Keep Going     Hindi lahat ng araw mo madali at alam ko ’yon. May mga pagod na hindi agad nawawala, may doubts na biglang dumarating kahit ginagawa mo naman ang best mo at may moments na gusto mo na lang huminto at magpahinga muna. Pero kahit ganon, you still choose to show up. Pinipili mo pa ring lumaban, humarap sa araw at magstay kahit hindi sigurado at kahit mabigat. And I hope you know how proud I am of that, babyyy. Hindi lahat kayang gawin ang ginagawa mo and hindi lahat may lakas ng loob na magpatuloy sa gitna ng hirap. I see your effort, your patience and your quiet strength — kahit sa mga oras na feeling mo walang nakakakita. I admire you more than you know and I’ll always be here, believing in you and cheering for you no matter what. Mahal kita, sobra.   

Where the year begins.

Image
Day 1 – Where the Year Begins January 1. A new year always feels like a fresh start and somehow ikaww agad yung gusto kong isama sa buong taon na ‘to, isa ka sa taong gusto kong kasama sa buong taon na 'to. I’m starting this not because I have to, but because I want to, gustong gusto —because you matter to me more than you probably realize. I want this to be a reminder, langgaaa, na I see you and I appreciate you. Kahit ordinaryong araw lang, gusto kong malaman mo na proud ako sayo for showing up and trying your best — although sa birthday mo pa 'to makikita or mababasa pero sasabihin ko pa here na proud ako sayo, lagi't lagi. Mahal kita, sobra.