Every step forward.


 
Day 12 — Every step forward


Habang papalapit yung birthday mo, mas naiisip ko kung gaano ka kalaki yung naging bahagi mo sa bawat step na tinatahak ko. Hindi man laging perfect ang takbo ng buhay, pero with you, every step forward feels lighter. Parang mas may direksyon, mas may lakas ng loob and mas may dahilan para magpatuloy. Kahit sa mga araw na tahimik lang o medyo magulo, alam kong hindi ako nag-iisa sa pag-usad — magkasabay tayo, dahan-dahan pero totoo.

This coming birthday of yours feels like a pause to appreciate how far you’ve come and how far you’ll still go. I’m excited to walk beside you sa mga susunod pang hakbang — sa growth mo, sa mga pangarap mo and sa lahat ng versions mo na dadating. Hindi ko man alam lahat ng mangyayari, pero sigurado ako sa isang bagay, na gusto kong andito ako sa bawat step forward mo. 

Mahal kita, at gusto kong iparamdam ‘yon hindi lang sa words, kundi sa pananatili ko sa tabi mo habang sabay tayong umuusad.


Comments

Popular posts from this blog

Where the year begins.

Through every storm.

How you became my safe place.