Right from the start
Day 13 — Right from the start
Right from the start, may something na agad sa’yo na nagpa-feel sa’kin na safe akong maging ako. Hindi man clear lahat noon, pero ramdam ko na iba ka sa lahat — sa way mo mag-care, sa kung paano mo hinaharap ang mundo kahit pagod ka na, sa pagiging optimistic mo, at sa way mo magsalita na parang sobrang lambot na lang ng puso natin sa bawat salita mo. Tbh, yung kahapon na natakot ako sa’yo dahil sa tone mo is something na naiisip ko ngayon as a positive sign, kasi dun ko na-realize kung gaano ka ka-soft sa’kin —to the point na hindi ako sanay marinig yung normal voice mo, like kung paano mo kausapin yung iba. Pero kapag ako kausap mo, parang isa akong baby — at siguro kung makita man ng younger self ko kung paano mo ako tratuhin ngayon, magiging masaya yung puso niya. Kasi simula bata ako, hindi ako sanay na may taong aalagaan ako ng ganito, yung gagawin akong parang baby, minsan parang princess pa. Pinapagaan mo yung puso ko at pinapasaya mo ako lagi, sobra. Unti-unti, dun ko na-realize na kaya kitang mahalin hindi lang sa masasayang araw, kundi pati sa mga tahimik at mabibigat na moments. You made loving feel natural, parang hindi ko kailangang pilitin yung sarili ko para mag-stay.
Habang papalapit yung birthday mo, gusto kong malaman mo na isa ka sa mga reason kung bakit naniniwala pa rin ako sa pagmamahal na totoo, na hindi kailangan magpanggap at magbago. I love you because you try, because you’re genuine, because of the way you care — hindi lang saakin but sa mga tao sa paligid mo, and because you never stop being kind kahit hindi madali at kahit na nagiging harsh ang mundo sayo minsan. I love you, and I always will— even at your lowest, even at your messiest. From the very beginning until now, ikaw pa rin yung pipiliin kong alagaan, pakikinggan, at sasamahan. And on your special day, I just want you to feel how deeply you are loved — hindi lang ngayon, sa birthday mo, kundi araw-araw.
Mahal kita, simula noon hanggang ngayon.

Comments
Post a Comment