Still Here, Still Us.


 
Day 15 — Still Here, Still Us


Sa dami ng pwedeng mangyari at sa dami ng araw na pwedeng magbago ang lahat, ang sarap pa ring isipin na we’re still here. Sa mga ordinary days, sa mga kwentong paulit-ulit and sa mga sandaling walang kailangang patunayan, nandito pa rin tayo. Still here kasi pinili nating manatili, kahit may pagod, kahit may delay, kahit may sariling lakad ang buhay. Still us, kasi kahit lumipas ang oras, pareho pa rin yung pakiramdam kapag magkasama tayo.

Habang tumatagal, mas nagiging malinaw sa’kin kung gaano kahalaga yung “us” na binubuo natin. Yung simpleng presence mo, yung way mo mag-stay and yung comfort na dala mo nang hindi mo namamalayan. Gusto kitang piliin sa araw-araw na ganito — walang nagmamadali, walang pressure, basta magkasama. Hangga’t nandito ka, nandito rin ako. Still here, still us. 


Mahal kita, palagi.


Comments

Popular posts from this blog

Where the year begins.

Through every storm.

How you became my safe place.