Vows written in silence.

 Day 11 — Vows written in silence


May mga pangako akong hindi kailangang sabihin out loud. Yung tipong nararamdaman na lang sa mga simpleng moments — sa tahimik na usap, sa mga titig, sa pagiging comfortable kahit walang sinasabi. Loving you made me realize na hindi lahat ng vows kailangan isulat o ipangako sa harap ng marami. Minsan, sapat na yung consistency, yung presence, at yung effort na paulit-ulit pinipili ka kahit walang nakatingin. Doon ko mas naiintindihan kung gaano ka kaimportante sa’kin.

Malapit na yung araw na tungkol lahat sa’yo, and I just want you to feel how special you are. Not because it’s your day, but because you deserve that kind of love every day. This is us na habang tumatagal is araw-araw pa ring pinipili ang isa’t isa. Sa pag-intindi kahit minsan walang mahabang usapan, sa pag-suporta sa isa’t isa kahit tahimik lang, and staying with you through everything. Walang bonggang salita o pa-impress, just us being real. 


Mahal kita, lagi't lagi. 

Comments

Popular posts from this blog

Where the year begins.

Through every storm.

How you became my safe place.